Powered By Blogger

Thursday, December 10, 2009

Burak

Kapag ang swimming pool ay maputik na, wala itong pag-asang linisin ka. At pag ikaw ay lumublob sa pag-aakalng lilinis ka, magiging kang biktima. Madumi ka na nga, dudumi ka pa. At kung malinis ka, malas mo. Sira agad ang reputasyon mo.

Iyan ang isang napakalapit na metapora sa halalan sa Pilipinas. Basta lumusong ka, o kahit isawsaw lang ang mga daliri sa paa sa kalagim-lagim nitong tubig, madumi ka na. Para itong lasong dahan-dahang umaakyat sa iyong mga binti, balakang, tiyan, leeg, labi, at utak. Tapos isang araw, matatapat ka sa salamin at masasabi mong, “OO. Madumi na ako.”

Sa Pilipinas, pangmalawakang paniniwala na na lahat ng pulitiko, magnanakaw. Na kahit ilang henerasyon na ng tulong ang lumanding sa mga palad ng ating naghihirap na kababayan, iyon pa din ang nasa mga kuykote nila. Sabagay, kung ikaw banaman ang mapasabak sa isang komunidad na madaling mangurakot, madaling magpayaman, uurong ka pa ba? Ako, aaminin ko, in the back of my mind, as my id says it, game na game ako diyan! Sino ba naman ang hindi magkakagustong yumaman ng ganon kadali? Kumbaga isa itong great opportunity, offered by Satan.

Tulad nga ng sinabi ko maburak ang swimming pool na ito, at kasama sa sinasabi kong swimming pool ang tilles, ang slide, pati ang stairs palublob na di ko alam ang tawag. Kung sa pag-apak mo sa stairs palublob e madumi ka na, paano kapag maitapak mo na finally ang iyong mga paa sa tiles sa baba? Paano kung maenganyo ka pang magpadulas sa slide? Hindi ba mas lalo kang dudumi? At kung alam mo sa sarili mo na lumublob ka upang luminis ang iyong katawan, hindi lang ikaw ang madudumihan. Pati ang swimming pool.

Ngunit kung wala ang swimming pool, saan tayo lulublob? Aminin niyo malaki ring kawalan ang pool sa society ng ating modern world, sa panahong madami ang mga hindi sigurado kung malinis ba sila o madumi. Sa panahong maraming isda ang nawawalan ng tirahan sapagkat natutuyo na ang kanilang mga karagatan at lawa. Aminin natin, malaki ang bahaging ginagampanan ng swimming pool sa ngayon. Kahit gaano ito kadumi.

At ngayon sa swimming pool na ito, maraming humahanap ng kani-kaniyang lugar. Madami sigurong gustong makamit ang pwesto sa stairs ng pool, kung saan madali kang makakaahon kung gusto mo. Sa ganoong paraan madali silang makakapag slide kung gusto nila. Ngunit ang pwestong ito ngayon ay dumudumi na. Sa dami ng paang umapak na dito, sa dami ng libag na nasagap nito. Hindi kaya mas lalong dumumi ang nasa pwestong ito?

Tandaan natin: Hindi ang puno ang bunga. At hindi palaging pare-parehas ang kalidad ng mga bunga, gaano man kaganda ang puno. Minsan kahit ang narra o ipil binubukbok. Wala tayong assurance. At higit sa lahat, bakit tayo gagawa ng salad mula sa prutas na di pa natin natitikman ang lasa? Marahil ang punong pinaggalingan ng prutas na nasa kamay mo ngayon ay minsang nagbunga ng maganda, ngunit sigurado ka bang maganda pa rin ito ngayon? Baka naman umasim lang ang salad mo, o kaya naman hindi pa makain yan.

Hindi rin naman ang kalidad ng prutas ang kailangan. Kailangan mong isaalang-alang ang apropriyedad. Minsan kasi natikman mo na matamis ang prutas, ngunit hindi mo namalayan na masyado itong matamis para sa salad mo. Hindi rin nmakakain yan. At kahit anong tamis ng prutas na iyan, hindi yan pwedeng ihalo sa nilagang baka, na medyo maalat at pang-ulam ang dating. Itatakwil yan sigurado ng baka, ng sitaw, sabaw. At itatakwil din yan ng tiyan mo. Baka itakwil pa din yan ng kubetang pagduduwalan mo eh!

Hindi ako biased, hindi ako subjective. Ito lang yung other side of the coin. Madami pa kasing isip ang hindi bukas. Madaming perceptions. madaming misconceptions. And this matter is absolutely serious. We can not afford to insert any of those wrong thoughts in this matter of ours. Tayo mahihirapan. And to play safe, foresee. Madaming pwedeng mangyari.

Malaya tayong lumublob sa swimming pool, kailanman, papaanuman. Ngunit sa paglublob natin, nawa ay magdala tayo ng kahit kaunting clorox at kahit lumang toothbrush. Baka sakaling may pag-asa pa palang luminis ang swimming pool na iyon. Hindi lang natin nakikita.

P.S.

Read between the lines po!!! hehe!^^

In the middle of the race, I realized…

Bago ang lahat, matagal na din akong di nakakakalikot ng blog world… nakakapagod din kasing mag-asikaso ng sarili, at hindi lang ng sarili. Pero I’m back, that’s all that matters.

Insecurity, obviously kabaliktaran yan ng security. At security means being stable, physically, socially, emotionally, mentally. At kung insecure ka, ibig sabihin hindi ka stable sa alinman sa mga aspetong nabanggit. Hindi rin naman ito healthy, at madami itong virus na nadadala satin, kahit na kahit papano, satin din nagmumula ang sakit na ito.

Aminin natin. Insecurity arises from our discontent, thus we seek for characteristics we want to possess. This makes us find people who possess those fantastic characteristics, and we opt to envy them. Ang insecurity ay ang kaunlarang hindi natin nakamit na inilalabas natin sa ibang paraang hindi makabuluhan. Kumbaga paghangang may halong inggit. Kaso mas nangingibabaw ang pagkainggit, at minsan tumutuloy sa pagkainis, pagkagalit, pagkamuhi.

Tulad nga ng ating sinabi ko, isa itong virus. At madalas, nakikita nating kailangan itong gamutin. Ngunit ang gamot na nakikita natin ay hindi rin healthy, madaming side effects: kompetensya. Madalas, ine-engage (sorry di ko matagalog!) natin ang ating sarili sa isang karera, karerang sating paningin ay wala tayong pag-asang mauna. Hindi healthy. Pipilit nating maging matapang, kahit na lugmok na ang ating pakiramdam. Nagiging tayong plastic. Nagiging tayong makasarili. At tayo’y nagngingitngit ng walang rasyonal na dahilan.

Hindi palaging totoo na ang asong sugatan ay mas lalong tumatapang. May nga aso din na pag napilayan ay hindi na marunong tumahol. Ang madalas na nangyayari sa self-esteem ng isang insecure ay ang pangalawa. Parang unti unting sinusunog ito hangang sa maubos na. At hindi ito maganda.

Walang may kasalanan, iyan pa ang masaklap. At kung may dapat sisihin, ikaw yon. Ikaw na nagpadala sa malakas na alon, mas malakas kaysa sa alon mo. Nakita mong mas malakas ang bagyo sa kapit ng ugat mo. At pinilit mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Ngunit kung tutuusin, ikaw na puno ay hindi dapat ikinukumpara ang iyong sarili sa isang bagyo, dahil kahit kailan ay hindi magiging bagyo ang puno, at hindi magiging puno ang bagyo.

Tama. Ang pagiging insecure ay resulta ng maling paghahambing, ang pagtapak sa labas ng linya mo. Hindi tayo pwedeng mag-excel(hindi na naman matagalog) sa lahat ng bagay. At hindi naman pwedeng magkaroon ng taong mas magaling satin sa lahat ng bagay. Kanya-kanyang forte lang yan. Kanya-kanyang estilo, diskarte. Walang perpekto, pero lahat may kakayahan.

In short, hindi gamot ang kompetisyon sa pagiging insecure. Hindi sinosolusyonan ang isang virus ng isa pang virus, na pwede pa ring solusyonan ng isa pang virus. Kung pwede, antibiotic na lang ang isalubong sa sakit na maaaring idulot nito, upang sa ganon ay matigil na. At higit sa lahat, matuto tayong tumanggap ng ating kakayahan. At mas pag-aralan nating tumanggap ng kahinaan. Ito ang mga sagot sa pagiging kontento sa buhay, at hindi pagiging insecure.

Virus lang ang pagiging insecure, at tayo ang mercury Drug. Nasa atin na kung ano ang ipangagamot natin dito. Gamutin natin upang hindi lumala, at ingatan natin upang hindi mangyari.

At nawa ang karera’y matigil na.

P.S.
Ang “ATING TANDAAN” portion ay ang paragraph na nagsisimula sa ‘In short…’ blablabla! Gue, hav a nice day!

Ang kapabayaan ng isang condom…

Magandang araw. Ang nagsasalita, o binabasa niyo ngayon ay isang condom. Huwag kang magpakainosente, kilala mo ako! Hindi yung building ha, yung contraceptive. Yung madalas na napagkakamalang lobo(talaga naman!) o kendi(may flavor daw kasi.) O, ano, okay na?

May ishe-share ako sa inyo. Atin lang ha. Sa totoo lang, guilty na talaga ako. Hindi ko yata nagagawa ng maayos ang aking trabaho. Napakairesponsable ko. Pansin niyo ba, patuloy ang pagtaas ng birth rate, hindi lang ng Pilipinas, ngunit ng buong mundo pati! Dahil sa hindi ko maayos na pagtakip sa butas na nagluluwa ng makapangyarihang gat, nangyayari ang hindi dapat. Haiz.

Malaki ang nagiging epekto ng kapabayaan ko. Sa pagpapatuloy ng pagtaas ng birthrate ng bansa, bumababa naman ang death rate ng bansa at ang employment rate. Nag-susuffer ang ekonomiya. Talamak pa ang polusyon. Yang, tangnang Meralco kasi e, brown out ng brown out!

O baka hindi ako ang tunay na may kasalanan, kundi ang mga manufacturer. Sino ba kasi ang nakaisip na lagyan ng flavor ang condom? Hindi ba nila naisip na baka mapagkamalang lollipop ang namis-interpret na ngang hotdog (actually ang dapat ay instrumento ng pagkabuhay)? At higit sa lahat, hindi ba nila naisip na mahilig sa matatamis ang mga Pinoy? Hindi kaya mas maenganyo pa sila?

Dahil din sa kapabayaan ko, tumataas ang bilang ng nagiging dalagang ina. Maraming nawawalan ng tatay. Sayang, feminist pa naman ako! Kung kaya ko lang kasing ipagdasal sa diyosa ng mga buntis na mga lalaki naman ang mabubuntis!

Dahil sakin nadarama ng mga tao ang kahirapang hindi nila dapat maranasan. Dahil saking kairesponsablehan, madaming nagdurusang dalaga. Maraming ekonomistang natatanga sa mga records ng bansa. At higit sa lahat, marami pang positions ang napadaragdag sa kama sutra ng Cosmpolitan. Hay naku po naman!

Pero, teka nga, ako nga ba ang tunay na may sala? Hindi nga ba ang mga lalaking may di mapigilang mga tite? O ang mga dalagitang kumakaringking na tila ba’y gusto nang masuksukan ang puke? Tandaan niyo! Kasangkapan lang ako, at hindi nakasalalay sa akin ang mga responsibilidad ng tamang paggamit . Hindi ako ang may kasalanan kung nakililimutan nila akong dalhin sa mga oras ng kalibugan, at hindi ako ang nagkamali kung mali yung flavor na nabili niyo! Kasangkapan lamang ako, at wala akong sala!

Isuksok niyo ito sa kukote niyo. KAYO ang may sala. Kayo ang nagpapabagsak sa ekonomiya ng sari-sarili niyong bansa! E ni wala nga akong kamay panghubad, o dilang panghimod. Kayo ang dahilan.

Ngunit, siguro, kayo din ang solusyon. Nasa inyo ang karapatang dumiskubre at kumilala. Kayang-kaya niyong lipunin ang mga tao sa paligid at ipaabot ang sapat na kamalayan ukol sa akin. Ang problema lang hindi niyo ito ginagawa.

May pag-asa pa ako, ang condom na katulad ko. Sisikat din ang araw, at iikot ang gulong. Magagamit niyo rin ako ng mabuti, at aayos din ang ekonomiya niyo. Magtatagumpay din tayo pagdating ng panahon.

P.S.
Ganito ako kaliberal. O kalahati lang yan!!! Hahaha!

Image: 100 percent depleted…

Sirang sira na talaga ang image ng Pilipinas sa mundo. Katakot-takot na korapsyon, sandamakmak na kahirapan, sangkaterbang polusyon. San kapa!!!

Humanga lang ako sa bansang ito dahil gatuldok na lang nga to sa mapa, ang lakas pang gumawa ng ingay! Iyan sumikat tuloy tayo na sirang-sira ang image!

Sa totoo lang, maganda na sana ang image natin, natakpan lang ng mga nega ang mga posi. O eto, mga madalas na masabi ng mda dayuhan sa Pilipinas:

1. “The Philippines is so dirty. Too much pollution.”

Di naman maitatanggi yan eh. Tingnan nyo naman yung ibang mabobonggang city sa mundo. Nakakita na ba kayo ng tambak ng basura sa Dubai? Ng lupon ng nagpaparting langaw sa Singapore? E ng stagnant water sa dram na nagsisilbing bahay ampunan ng mga wrigglers at maggots (EEEWWW!!!) sa Paris? At eto hardcore, nakakita na ba kayo ng tae ng aso sa mga kalsada ng Washington D.C.? (Pano kaya kung makatapak ng tae ng aso si Obama?)

Kakabit ng ganyang uri ng polusyon ang matitinding sakit: diarrhea, cholera, dypteria, Ahini(joke.). Isa pa dahil sa mga dikit-dikit na bahay at mga unhygienic ways ng mga tao, madaling kumalat ang mga sakit na contagious. Tumataas tuloy ang death rate dito. Image point: -10.

2. “Filipino? Ahh, domestic helper.”

Una sa lahat, ano nga bang masama sa pagiging domestic helper? Buti nga may trabaho ka e, abroad pa.

Pero dahil sa tradition nila, unethical ang pagiging dh, lalo na sa mga bansang self-help ang uso. Biruin mo, tumutulong ka sa iba nang di mo natutulungan ang sarili mo. Nililinis mo ang bahay niya nang di pa linis ang bahay mo. Iniisis mo ang kubeta nila ng di ka man lang makaebak sa kubeta mo. At masama pa, minsan may bonus ka pa. Pangmamaltrato. (Sumikat tuloy si Manny Villar!)

Minsan nagkakaroon ka pa ng diperensya sa pamilya. Sasama ang tingin sayo ng anak mo. Mambababae ang asawa mo. Pagdating mo sa Pilipinas, adik na sila. Tapos, wala ka pang naipon, at hindi man lang nakatulong sa pagtaas ng GNP ng bansa ang sweldo mo. Image point:-20

3. “Oooh, they’re beautiful, much like a whore. Opportunist.”

Alam niyo ba ang whore? In laymans term, bayarang babae, nagbebenta ng laman, pokpok! O diba, ang tinding insulto!

Hindi naman talaga lahat ng Filipina ay pokpok. Kaso dahil sa mga nakita ng mga foreigners na ang kikire, nagiging collective yung term na iyon. One for all, all for one. Lahat tayo, sira ang image. Image point:-50

4. “Tsktsk. The Philippine government is so corrupt.”

Tama. Totoo yan. Pero ang sama-sama talagang pakinggan niyan, kahit alam na natin sa mga sarili natin ang mga ito.

Isipin niyo nga, tinira nila ang gobyerno, ang leading force ng kahit anong bansa. Kung ang pinuno ninyo ay ganon, paano pa kaya ang mga tagasunod. Hindi mabubura ng mga rally ang duming ito. Hindi nga tayo ganon, pero may choice ba tayo. Damay-damay. Image point:-100. Wala nang natira.

Wala tayong karapatang magalit sa mga komentong ito. Totoo eh. Ngunit hindi rin natin dapat tanggapin lang. Hindi pagtanggap ang solusyon. Hindi gyera ang sagot, kundi pagbabago. Pagbabagong hindi madaling makamit, ngunit magiging imposibleng makamit ito kung watak-watak tayo.

Ating tandaan: kung gusto natin ng pagbabago, pagsikapan natin ito. If we want to mend the damage that has been done, kailangang magkaisa. Walang tama, walang mali. Walang dapat sisihin. Kailangang magsama-sama. Kahit ayaw mo kay Gloria.

Iyan. Patos. Hehe!

P.S.
Wag kayong mag-alala, magtutuloy-tuloy tong blog na to, come what may! (May ganun?)

Kamatayan…

Iyan na naman siya… Sumusugod. Sumisilid sa bawat siwang ng ating mga puso. Kinikitil ang bawat pag-asang natitira sa ating kaluluwa. Siya’y nagsasaya. At maya-maya’y dahan-dahang aalis, lalayas, na para bang walang nangyari, habang may pekeng ngiti sa napupunit nitong mga labi. Lalakad palayo, at mawawala. Iyan si kamatayan, ang p*t*ng in*ng kamatayan.

Oo, isa nga ito sa mga trahedya ng ating mga tadhana. Ito ang pangyayaring hindi ko, at ninumang gustong maranasan. Pero parte ito ng buhay, at di matatakasan.

Sino nga ba ang nakimbento ng kamatayan? O kung hindi man ito naimbento, Diyos ba ang nagbigay nito sa atin? Diyos nga ba ang nagnais na tayo’y mapahamak, magluksa? Siya nga ba?

OO, siya nga ang nagbigay sa atin noon. Ngunit hindi para sa tayo’y mahirapan. Kabaligtaran. Isipin niyo na lang. Kung walang namamatay:

-Wakwents ang cancer, diabetes, at hypertension. Atakihin ka man ng ilang beses, hindi ka mamamatay. Magsawa kang maatake!
-Pag walang namamatay ng dahil dun, wala ng bibili ng mga dietary supplements anti dun. Malulugi ang mga kumpanya. Sangkatutak na economic crisis!
-Pag nawalan ng mga gamot, wala na ring mga commercial ads. Di hindi sana sumikat si Bea Alonzo, para sa 4G. Wala na siguro yung lolang paballroom-ballroom na in 1 year. At wala na sigurong nagsabi ng “Anlakas ko!”.
-Isa pa kung walang namamatay, magiging super dense ng population ng mundo. Sasabog ang Earth at mapipilitan tayong humanap ng ibang planeta.
-Sa paghahanap ng planeta, madaming aliens ang makakaencounter ng mga astronauts. Aatakihin nila ito. Mamamatay yung mga astronauts. Yung iba naman hihigupin ng black hole, at yung iba masusunog sa sun.
-At ito serious, hindi tayo matututong tumanggap ng pagkawala, pagluluksa. Mawawalan ng sense ang pagmove on. At magkukulang tayo sa moral values.

Hindi ko naman sinasabing gusto ko yung madaming namamatay. Ang sinasabi ko lang ay sana, wag nating sisihin ang kunsinuman sa pagkamatay ng mahal mo. Learn to move on, let go. Yun lang ang magawa natin diba?

Ating tandaan: Ang kamatayan ay parte ng buhay na hindi mawawala habang may buhay sa mundo. Hindi natin to pwedeng itakwil, kailangang nating tanggapin. Tayo din naman ang magbebenefit in time. Hindi lang natin alam kung pano.

Haiz. Im Sorry.

P.S.
Kaya mo yan.! Andito lang kame! Sorry. At thank you.

Losers? I think not!

Haiy… natalo na naman ako. Kami. Oo, aaminin ko, malungkot. Nakakaasar. Ika nga lasang P.I. Pero nakatutuwang isipin, masaya pa din kami.

“Losers are created to justify the meaning of winners.”

Quote for the day. Ibig sabihin niyan walang nananalo kung walang natatalo. Pero para sa akin, consolation line lang iyan ng mga tunay na losers. Joskopoh, nakakahiya.

Pero mahalaga ang pagkatalo sa buhay ng tao. Isipin niyo, walang Abraham Lincoln kung walang pagkatalo. Walang Edison. Walang Adam Lambert, Charice, Sheryn Regis. Walang David Archuleta. WALA!!! (akala mo lang wala… ooops!)

Losing spices up your life. Kung palagi na lang panalo, walang thrill. Sa simula para kang nakain ng lollipop. Matamis. Hanggang sa sobrang tumamis. Hanggang sa ayaw mo na. Nakakauta!

Pero kung natatalo ka. Nagshishift yung lasa. May transition. Mula sa matamis, pag natalo ka, aalat, aasim, aanghang. Malalasahan mo ang tunay na essence ng mabuhay. Mas exciting, diba.

Pero para sa akin hindi mahalaga kung mananalo o matatalo ka. Hindi mo dapat idipende ang pagkapanalo sa verdict ng mga judges. Kasi pag sila ang inimpress mo, laging may risk. Isa lang kasi para sa kanila ang panalo, at kahit second ka pa o pang 1.5, talo ka pa rin.

Dapat ibinabase ang pagkapanalo sa kung paano ka nakita ng mga taong tumunghay sa’yo. At sa fulfillment mo sa sarili mo. Kadalasan kasi sampu lang, o lima ang mga judge. Kaya mas maganda nang iimpress ang libo sa paligid mo, kesa sa sampu lang, o limang tao, na tao din naman.

Ang masasabi ko lang, you should not impress the judges, you should to impress the masses. At sa nagawa naming impact kanina, at sa fulfillment ko sa sarili, i can certainly say, we’ve made it. NAGTAGUMPAY TAYO!!!

Ating tandaan: di natin dapat iregard kung manalo o matalo. Do your best. Sa contest naman, minsan it is a matter of luck, or sometimes pure luck. Kaya di dapat isipin kung matatalo. Pero mas maganda pa din kung nananalo.

Iyon lang.

P.S.
Congrats sa iba, by the way! Nice shot!

L-O-V-E

Love… Kasimpleng salita. Naiintindihan ba natin ito?

Ang love… ang hari ng mga emosyon sa mundo. Ito ang palad na humahampas sa iyong mga pisngi upang ikaw ay mapaiyak. Ang mga daliring pumipisil sa iyong mga singit na nagpapahagalpak sa iyo ng bonggang bongga. Ang tv na pwede mong pagkaabalahang entertainment. Ang ecstacy na nagdadala sa iyo sa ibang mundo upang magmukha kang tanga.

Ang love… ay wala sa mga uyayi ng ina sa kanyang supling. Wala sa mga ngiti ng mga pari sa mga nakasasalubong nito. Wala sa pagiging malapit ng dalawang magkaibigan, o sa lasa ng unang halik. Hindi ito nakikita, nadidinig, nalalasahan, nasasabi. Nararamdaman ito, nang hindi basta lang.

Ang love… walang katapusang paghihintay. Para kang pinaglalaruan. Inuuto. Pinageeksperimentohan ng tadhanang walang napagkaabalahan kundi gaguhin ang buhay mo. Magkatabi na kayo, pero hindi mo siya napapansin. Minsan nagkadikit na ang inyong mga labi, ngunit patuloy kang maghihintay. Habang-buhay. Walang katapusan.

Ang love… ay walang hanggang pasakit. Unti-unti nitong bibihagin ang iyong nahipnotismong puso at itatali ito sa nangangalawang niyang tanikala. Dahan-dahan itong hihigpit. Pipigain nito ang nakaawa mong dugo. Paghihingaluhin ka. Papatayin ang mga damdamin. Tutuyuin, hanggang matigang.

Ang love… ang mga bubuyog na nagkakalat ng pollen ni kupido upang dumami pa ang mga bulaklak sa mundo. Ito ang araw na nagpapainit sa iyong puso. Ang galit na nakapagpapanginig sa iyong mga kalamnan. Ang pagnanais ng hindi pa dapat, o hindi kailanman magiging dapat. Ang nagdadala ng laswa. Libog.

Ang love… ang vetsin na nakakapagpasarap ng buhay. Ang pepper na nagdadala ng anghang. Ang asukal na nagdadala ng tamis. At ang kalamansi na nagtatanggal ng lansa.

Ang love… ang pagkaing nagbibigay buhay sa iyo. Ang magsasalba sa tagtuyot na minsa’y nagaganap sa iyong mapula pang puso. Ang tubig na pumupukaw sa iyong pagkauhaw, sa atensyon, sa rekognisyon, sa alaga. At ang walis na pumapawi sa mga maduming emosyon; galit, angst, sakit.

Ang love… ay hindi ko pa nararamdaman. Ang di pa dapat nating mga kaedad kong nararamadaman. At ang ayaw ko nang maramdaman. Takot kasi ako. Ayoko.

Ang love… ay hindi natatapos. Kung tunay, hindi ito kailanman nawawalay sa iyo. At hindi ito mawawala hangga’t may tao pa sa mundo. Hindi katulad ng blog na to.

Iyon lang. Salamat.

P.S.
Sh*t! Ang seryoso ah! (nosebleed!)

Nasusunog ako!

Nasobrahan na ata ako sa pagbabasa ng mga tungkol sa relihiyon. Angels and Demons, Through a Glass Darkly, etc. at kung anu-ano pang pampadugo ng ilong. Diyos ko Po!! Duguan na talaga ako.

Ngayon, hindi naman maaalis sa akin yung mga iba’t ibang paniniwala at tanong na nabubuo sa kautakan ko! Contradicting kasi. Yung isa sinasabing totoo ang Diyos; ung isa hindi daw. May nagsabi pa nga, pagan daw mas maganda. Hay pati na nga libro ng buddhism nabasa ko na! Di ba, bongga!

Kung tatanungin ko kayo, “May Diyos ba?”, anung isasagot nyo? OO at Wala lang ang pwedeng isagot. Ano! Sumagot ka!!!!! (May kausap nga ba ako?)

Ako naniniwala ako sa Diyos. Naniniwala ako sa Santo. Katoliko ako, at somehow, relihiyoso. (Obyus ba?) Kilala ko Abraham, Isaac, Noah, Moses, Peter, Saul, Paul, Bartholomew, at higit sa lahat si Jesus. Kilala ko sila, base sa mga kwento, sa mga parabula.

Pero kahit na ganun, may mga tao pa ding hindi naniniwala. I understand them. Unang-una, walang scientific basis ang Bible. Base lang ito sa scriptures, paintings sa mga kweba, at iba pa. Hindi kinailangan ng telescope para makita ang Garden of Eden. Hindi inobserve ang law of density sa paglakad ni Lord sa dagat. Hindi kinailangan ni Saul ang operasyon para makakita siyang muli. Hindi nga rin ata alam ni Peter kung ano yung species ng hinuhuli niyang isda. At higit sa lahat, walang nakapagpatunay, oo, kahit si Einstein, o si Newton, o ako, na pwedeng gawin ang mundo mula sa wala, tulad nga ng nagawa ni Lord.

Kumbaga ang relihiyong ito ay isang fiction movie. Everything can happen, no restrictions, no boundaries. The good will always prevail over evil. The dead can rise from the dead. Every is elusive. Fantasy. (nosebleed)

Oo, hindi nga napatunayan ito ng science. Hindi malinaw. Hindi nga ata lubusang maintindihan ng mga tao ang pinaniniwalaan nila. Sige nga, try mong ipa-prove sa kanila yung mga tanong sa itaas. E kahit nga si Pope Benedict hindi masasagot yun eh!

Pero, para sa akin may mga bagay pa din na kahit di mapatunayan ng agham, iyon pa din ang katotohanan. Bukod sa relihiyon, tingnan niyo na lang yung cancer, AIDS, Swine flu, at sakit sa utak! E diba wala pa dingh gamot iyon. Bakit naniniwala pa din tayo dun. Iyon kasi ang katotohanan. Iyon ang nakita natin.

Huwag naman sana nating hamunin ang Lord na papaniwalain Niya tayo na nageexist siya. Baka tayo pa ang magsisi sa huli.

Ating tandaan: Hindi mahalaga ang relihiyon. Mas mahalaga ang paraan ng pag-aaply nito sa buhay natin. Kung paano tayo magiging mabuti with the aid of it. Iyon ang mas mahalaga.

Pano ba yan. Maaabo na ko.

Bye muna. May test pa bukas! Hehehe.

P.S.
Salamat uli. Paendorse naman ng blog ko kung pwede! Salamat! Haha!

Ang kuwento ni Earl… (+appreciation)

Isang araw, may isang taong nagpakuwento sakin . Iblog ko daw siya. Iyan natupad ko na. Salamat!

Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng nagview sa blog ko. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napasaya! Salamat!

At dahil nga nasimulan ko na sa pasalamatan, ang topic naten ngayon ay (cue: tereren-tenen!) Appreciation! Hay, alam ng lahat iyan. Madaming interpretasyon. Isa-isahin natin.

Para sa akin, ang “appreciation” ay isa sa mga basic needs ng tao. Ito yung isang bagay na pumipilit sa ating ipagpatuloy ang ating mga ginagawa sa araw-araw. Kumbaga nga sa physics, ito yung gravity na pumipilit sa ating bumaba sa lupa. (buti na lang hindi nakakapagpabigat ang appreciation.)

As said by one of my fave books, “Don’t deprive any one of appreciation and hope, because maybe, that is all they have.” Tama nga naman. Wala naman kasing nakakailala sa isang tao ng lubusan. Hindi natin masasabing ayaw nga talaga ng isang tao ang isang bagay sa pagsasabi niya ng “ayaw ko!” E ang pisikal nga na anyo ng tao e d p natin kilala, yung nasa loob pa kaya? (Uuuyy. Sino may maiitim na kasingitan diyan?!)

Mahalaga din naman ang appreciation sa wika. Isipin niyo nga. Kung hindi natutong mag-appreciate ang mga Neanderthal noon, e di sana wala ngayong ‘Salamat’, ‘Thank You’. Kung wala yung mga salitang yun, e di wala ding ‘Welcome’. Kung walang welcome, e di sana hindi nakilala ang mga Pinoy sa pagiging warm and hospitable. At kung hindi tayo nakilala sa pagiging ganon, siguro tuldok lang ang bansa sa mapa ngayon. Kadaling burahin.

Pati sa trabaho, malaking factor ang appreciation. Isipin niyo. Kung walang nagpapasalamat, may mga caregiver pa kayang magtiyatiyagang mamahid ng puwet ng mga banyaga? May mga construction worker pa kayang magmimistulang trabaho ang magsun-bathing? May mga guro pa kayang magtiyatiyagang maki-in sa mga batang wangis na ng puwet ng manok? At higit sa lahat, sisikat pa kaya si Mar Roxas, Manny Villar at iba pang mga nangangampanyang nangangampanya na, e ang aga-aga pa?

Malaki ngang factor ang appreciation sa buhay ng tao. Ito, para saking ang pagkain ng damdamin, ng kaluluwa. Binubusog nito ang gutom na puso, at binibigyan ng enerhiyang magpatuloy pa sa buhay. (nosebleed)

Kaya hindi dapat ipinagkakait ang appreciation sa lahat. Di’ba, pagkain yun (ng kaluluwa)? At saka ang simple lang sabihin ng “Salamat!”. Pero malaki ang nagagawa.

Ating tandaan: dapat tayong mag-appreciate. Do to others what you want others to do unto you. Kung gusto mong maapreciate ka, mag-appreciate ka din. Para bongga!

Okay? Okay!

P.S.
Salamat talaga!!! Nawa’y suportahan niyo pa din ako. Bakit? Para bongga!! Hehehe!!

Sabihin niyo nga, usousousosusouso…

Bago ang lahat, nais kong iwelkum muli ang aking sarili sa blogworld. Busy kasi maging 4th year!! Pero masaya. Talaga. Hay, ano, game? GAME!

Itong mga nakaraang lingo, madami na akong napansin sa musika ng ating henerasyon. Guess what? Yung mga kantang sikat ngayon, e, sang taon na yun eh! (isang taon sa human years ay katumbas ng 100 years sa mga musika! Joke!) Pero kung tutuusin, ang luma n nun ah!!!

Isa na ngang example ay ang “Love Story” by Taylor Swift, ang babaeng may magandang buhok! Kung nalalaman myo, ang kantang iyo ay naging nang no. 3 sa Top Hits Online nun pang October-November 2008. At biruin niyo, nalaglag na yon sa countdown eh, tas biglang tumalbog ulet! Ambonga talaga ni Mareng Taylor!

OO, aaminin ko. Ang gandang kanta noon!! Nung una ko pa lang n narinig yun, eh, natunaw ako sa kilig! Pero pagkatapos kong patugtugin ang kantang iyon sa earphone kong nakasalaksak sa aking malatimbang tenga, at nagtitili habang sinusubukang abutin ang mga notang, “RooohhMMeeyoW seeyb me, aaaayyhb biiihhn fiihliing sooOOhhW AhLooooOwhn…”, nagsawa din ako. At kung tutuusin, ambaduy na pala niya. (No offense taylor swift fans!)

Okay, I admit. Nakikiuso din po ako, father! Umabot pa nga iyon sa puntong sapilitan kong inaral ang kanta sa gitara, dahil lamang sa sikat ito at hindi dahil gusto ko pa ito. Utang-uta man ako, gusto ko kasi yung pakiramdam na madaming nakikikanta habang tumutugtog ka, Para kang superstar. (BONGGA!)

Lilinawin ko. Iba ang pakikiuso sa tunay na paghanga. Ang pakikiuso ay ang pagtanggap sa mga bagay na dating mong inisnob, tulad ng mga pinarinigan ko ng “Love Story” by Taylor Swift. Excempted ka lang kung ngayon mo lang talaga narinig yung kanta, o kaya hindi mo pa nakakanta yung, “ROoOOOowhmeeeooo blahblahblah!”. Same with other matters.

Hindi naman talaga masamang makiuso. (Syempre ganun din ako!) Pero, naisip ba natin na pag nakikiuso tayo, may tendency’ng naloloko naten ang ateng sarili. Na kahit halos iduwal na natin ang ating mga bituka ay pilit pa rin nating nilulunok. (NOt referring to “Love Story”) Think again, guys. You can fool anybody else, but not yourself.

Ang masama pa niyan, baka dahil sa pilit mong pagtanggap ng uso, makilala ka bilang forever-in. Pressure, diba. Pano kung di mo pa pala alam kung ano iyong bago ngayon, pasensya, pero ako na ang magmumura para sayo, SHET, pahiya ka!

Ating tandaan: Mas magandang magpakatotoo kesa makiuso. Yun ka kasi, diba. Mas bongga!

Haiz. so long.

P.S.
Parang gusto ko pang mag-post! Kasaya, eh. Kakamiss. Parang drugs!!

ATTITUDE and BEHAVIOR 101

Kung tatanungin kita kung tama ba ang pangongopya sa napagkatalino mong katabi, sigurado akong “Hindi” ang isasagot mo. Pero kung may oportunidad kang mangopya, o magpapakopya yung katabi mo, mangongopya ka ba?

Ako, ahm…(sige na nga, wag nang magpakaplastik!), Syempre naman! Lalung lalo na kung tungkol sa history, math, chemistry, filipino, literature, TLE, at iba pang subject pang hindi nababanggit. Kung pwede nga pati essay, kokopyahin ko!

Diyan na nga pumapasok ang ATTITUDE at BEHAVIOR. Dahil diyan, kinailangan kong muli ang tulong ni Mareng Encarta, dahil mukhang nakaglue na naman si Pareng Tumbong.

ATTITUDE-/atte-tood/personal view of something.

BEHAVIOR-/bi-hayvyer/the way something reacts in a specific set of conditions.

ATTITUDE; point of view; kung ano ang iniisip mo tungkol sa isang issue.

BEHAVIOR; reaction; kung ano ang actual na gagawin mo kung ikaw ay nasa sitwasiyong iyon na. Halos parehas lang sila, nga lang, yung behavior, kailangan mo munang eksperimentohan at obserbahan ng mabuti ang isang tao nang hindi niya alam.

Ito ang isang dahilan kung bakit hindi tayo dapat mag-judge ng ibang tao ukol sa nakikita natin o sa sinasabi niya. Tandaan: kung ano ang sinasabi niya, iyon ang ATTITUDE; kung ano ang nakikita niyo, iyon ang BEHAVIOR.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga tinatawag nating “Hugas-Kamay”. Ang katangiang iyon ang madalas na nagiging dahilan ng pagkukulang ng assessment sa BEHAVIOR, at pagfofocus lang sa alam mong ATTITUDE mo.

Ang ayaw ko lang sa mga “Hugas-Kamay”…. ay never mind….

Okay. To sum it all up, we can never really be surely acquainted to our selves for whatever we do, there will still be a shadow left behind from, which we cannot see, unless we turned back our heads and listen to what others say about us. I am not saying to be totally affected by those comments and feedbacks you heard from others. Just do what you think is right and recognize their thoughts. Try to apply it, if you think it is right. But if not, then disregard it. They just envy you. (nosebleed)

Ayun. So tapos na.

P.S.

Haizz… tagal ko nang di nag-update no… Hehehe! (patuloy ang pagtulo ng dugo.)

SUICIDE is such a lonely word…

Anong bagay ang common kina Edwin Armstrong, Brutus, Seung-Hui Cho, Sigmund Freud at Manilyn Monroe? Kung hindi mo pa nahuhulaan pagkatapos ng huling clue, sasabihin ko sayo, lahat sila ay nag-commit ng SUICIDE! Creepy, diba?

SUICIDE, ang pinakamabisang paraan para tapusin lahat ng paghihirap mo. Pero kaakibat noon ay ang pagputol sa pinakamahalagang oportunidad sa iyong sarili: ang ‘live-your-life-to-the-fullest’ factor. (Pasensya na, hindi ko matagalog.)

Lahat naman siguro tayo ay nadidepress, at hindi malayong lahat tayo ay nakaisip na na sana mamatay na lang tayo. Ako inaamin ko, madalas kong isipin na sana inabort na lang ako ng aking ina. Pero hindi iyan ang topic natin, kaya sa SUICIDE muna tayo mag-focus.

Ayon kay Lord Bob Ong (Oo Lord yan!), heto ang ilang tips para sa maayos na pagpapatiwakal:

1. Alamin ang tamang dahilan ng pagpapakamatay.

2. Pumili ng paraan ng pagpapakamatay na pinakakomportable para sa iyo. Tip ko, pinakamasarap ang pagbibigti.

3. Sumulat ng suicide note. Dito, ilabas mo ang lahat ng sama ng loob. Para mas exciting sisihin mo sila, diyan mo na rin isulat ang last will mo. Tip ko, iwasan ang pagmumura, baka kasi mabutas yang hot air balloon mo at bumagsak ka sa ibaba.

4. Pwede ka ring magrequest ng theme song sa iyong suicide note. Tip ko, yung “Gloomy Sunday”* by Bjork, para magpakamatay din yung mga makikipaglibing.

5. Idikit daw ang malinis na suicide note sa noo mo.

6. Tama nga naman, magsuot ka ng maayos dahil isang beses ka lang mamamatay.

7. Kumuha ka din ng kabaong mo. Tip ko, kulay white. Hindi kasi disente ang rainbow colors.

8. Pumili din ng pwestong maganda sa sementeryo. Dapat isaalang-alang din ang zodiac sign. Tip ko, isaalang-alang din ang numerology.

9. Itaon daw ang date ng pagpapakamatay sa unang dalamang linggo o kaya’y huling dalawang linggo ng buwan. Swerte daw yun. Tip ko, teka nga! Diba parehas lang yun?

10. Dapat din daw na maayos na ang mga papeles mo. Siguraduhing di ka matatabloid. Tip niya yun, para gumaan ang pasok ng pera.

*Gloomy Sunday- Ito ang binansagang “Hungarian Suicide Song”, dahil noong 1960’s to 70’s ibinan ito sa radio dahil madaming tao ang sinasabing nagpakamatay pagkatapos marinig ang kantang ito. Pero bakit ganun, yung kapatid ko ilang beses nang pinapakinggan, hindi pa rin tinatablan? Tagal naman!(Joke)

Back to the Topic.

Sa totoo lang, hindi ako against sa suicide. Kung binebendisiyonan nga lang ang mga suiciders, siguro matagal na kong nagpaalam sa mundo. Tsaka isa pa, madaming tao ang maapektohan. Masiyado kang magiging controversial, lalu na kung katulad kita, artista!

Pero para sa akin, hindi ka dapat basta-basta magpapatiwakal. Tandaan ang tip no. 1 ni Lord Bob Ong. Tsaka tandaan mo, madaming tao diyan na makikiramay sayo. Kahit papano naman kaya ka nilang damayan sa problema mo. Kaya wag kang mag-alala, may kasama ka pa. Kaya ba’t di mo sila yayaing sumabay sa grand entrance mo papuntang ibang mundo?

Ating tandaan: Hindi tayo dapat padalos-dalos, lalo na kung ang nakataya ay isang napakahalagang bagay, tulad ng ating life. Isipin mo, sayang naman yung mga opportunity na posible pang dumating sa buhay mo kung hindi ka magsu-SUICIDE. Kung depressed ka, maghanap ka ng kasama. Tsaka magtiwala ka lang sa Kaniya, he’ll help you for sure. (parang bigla akong napapaso ah)

Iyon lang.

P.S.

Medyo matatagalang na ang gap ng mga posts ko, lalo na’t magpapasukan na. Pero sana hindi pa din kayo lumipat, mga Ka-Cute! (Ano daw?)

Anong Masama sa Pagiging Trying Hard?

Inis ako sa mga TRYING HARD, personally. Hindi ko alam kung bakit. In fairness, madami na akong nakilalang mga TRYING HARD. Minsan pati nga artista nagkakaganon eh. Isa lamang iyong patunay na pantay lang ang lahat ng tao sa mundo.(pang-miss universe ah!)

TRYING HARD-/pron. nga trying + pron. ng hard/ isang uri ng slang word na nagdedescribe sa mga taong hindi umaayaw kahit alam nilang hindi nila kayang talaga; next level pagkatapos ng napakamatiyaga.

Oo na. Alam kong walang masama sa pagiging TRYING HARD. Alam ko namang iyon lamang ang nangyayari sa mga taong super desperate na para magkatalent. Kung maiinis ako sa kanila, parang inisnob ko na rin ang mga taong nagsisikap para makamit ang mga pangarap.(pang-miss universe talaga!)

Pero hindi eh. Hindi ko magawang mahiyang sa mga taong ganun. Kahit na alam kong madaming ganun sa mundo; dapat sanay na ako. Kahit na rin alam kong alam ko sa sarili kong ganun din ako, TRYING HARD sa iba’t ibang aspeto.

Minsan pa nga eh nagalit ako sa isang tao ng medyo matagal dahil lang alam kong TRYING HARD siya. (u know who u are..) Mali yun. Kaya I take this chance to say sorry!! Hehe.

At dahil nga pantay-pantay lahat ng tao sa mundo, hindi lang tayong mga ordinaryong tao ang nagiging TRYING HARD. Pati nga mga artista nagkakaganun.(Nasabi ko na ata ito.) Isa na lamang halimbawa si Russell Crowe (National Treasure 1&2), na sumabak sa mundo ng banda-bandahan. Ngunit hindi naman siya sumikat. At least may bonggang acting carrier pa din siya.

Pati na rin si Kevin Cosner (Waterworld), na para sa akin eh sumikat na din sa waterworld; kahit na halos naging mitsa na iyon ng carrier niya! Halos 1 billion dollars ang nasayang dahil sa nasirang production ng pelikulang iyon. Ika nga, “Waterworld sunk down the box office.”

At kahit pa si Mariah Carey, na super idol ko, ay naging TRYING HARD ng sobra-sobra. Noong 2000, tinangka niyang sumabak sa mundo ng artistahan at gumawa siya ng movieng tinawag na ‘Glitter’. Kahit ako mismo, hindi humanga sa kaniya. Madaming pera, oras at pagod muli ang nasayang. Ang masama pa, naging mitsa ito ng buhay; Kasi nagcontribute daw iyon sa pag-bebreak down niya, at kamuntik na pag-susuicide. Tsk.Tsk.

Ngayon narealize ko na, hindi ako naiinis sa mga TRYING HARD dahil masyado silang nagpapakahirap. Naiinis ako dahil hindi nila kayang panindigan ang mga consequences ng actions nila. Isa pa, minsan naiingit ako dahil kaya nilang gawin iyon para sa mga pangarap nila; at alam ko sa sarili kong hindi ko iyon kaya.(Emo naman ngayon.)

Ating tandaan: Walang masama sa pagiging TRYING HARD, at least, paninindigan mo ang mga actions mo. Siguradong madaming maiinis sa iyo. Huwag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang TRYING HARD sa mundo. Pero, for the sake of your identity, if you can’t really do the thing you’re practicing, better quit. Play safe. Mabuti na iyon, kaysa sa kainisan ka pa ng buong mundo.

Ngayon medyo hindi na ko inis sa mga trying hard.

Ito lamang sa ngayon!

P.S.

Pataas na nang Pataas ang ratings natin mga ka-cute! Thank you talaga ha!

What the Heck is Emo anyway?

Okay. Bago tayo magsimula ngayon, I just want to thank every one who viewed the blog site!! Tumataas na ang rating natin, mga ka-cute!!! O diba, may tawag na din ako sa inyo!!! Lumelevel, ah!

Okay. Ano nga ba ang emo? Black outfit. Strange hairstyle. too much eyeliners. A typical rock/punk music playing on the earphone, stuck on one’s ear. Hay. Hmmmm….

HISTORY OF EMO:

Sinasabing ang EMO daw ay nagsimula, primarily, noong late 1980’s and early 1990’s. Isa itong genre ng music na nag-sprung galing sa rock at punk. Kaso, mas melodic lang ito, tsaka, kadalasan, ang topic ay depressive o puno ng galit. Madalas ngang talakayin sa genreng ito yung mga lost love, mga religious beliefs, basta kahit anong may kinalaman sa intense emotions ng isang emo.

Sinasabing ang bandang ‘Rites of Spring’ ang nagsilbing ninuno ng EMO. Iba pa ngang talaga ang panahon noon. The typical EMO style is composed of dark-rimmed glasses, Chuck Taylor tops and fitted jeans. Ni wala pa ngang eyeliner na nakalagay eh!

Nag-evolve na nga ba ang mga tao ngayon? Kasi ang EMO ngayon ay kakaiba na! Black shirt, black pants, black dyed hair, lahat na lang black!!! Tapos kung maglagay ng eyeliner, parang wala nang bukas!

Sinasabi din na may mga EMO na talagang EMO in and out. Ito na yung mga super emotionally depressed. Yung mga tipong sawa na sa buhay at gustong gustong magpakamatay! Yung tipong masokista at nasasarapan sa pagsusugat sa sarili. Aba! Brutal na to, ah!

Hindi naman sa naiinis ako sa mga EMO, pero hindi kaya nakikiuso lang sila?

Kasi kung EMO ka talaga, hindi mo na sasadyaing mag-outfit ng black, o magka-eyebags ng hindi gumagamit ng eyeliner. Hindi mo na kailangang umarte na parang depressed na depressed ka, kung talagang alam mo kung paano ang madepress ng sobra sobra. Ang hirap kaya ng madaming pinapasan nuh!

Tsaka feeling ko, mas dapat pa ngang maging EMO yung mga taga Negros. Yung mga batang pinagtatrabaho sa mga tubuhan. E di ba mas nakakadepress yun.

Hindi ba nila alam na madami silang taong naiirita at nasasaktan? Yung time kasi nila para makipag-socialize, ginagamit nila sa pagsimangot at pag-iisa. At hindi ba nila alam na mas nakakapagod ang pagsimangot kaysa pagngiti?

Ngayon ang sinasabi ko lang, kung EMO kang talaga hindi ka na magpipilit pa. Kung talagang depressed ka di mo na kailangang ipangalandakan pa. Tsaka kung depressed ka talaga hindi ka naman siguro mag-aayos ng sarili, no!

Ating tandaan: Hindi naman masamang magpangap, lalung lalo na kung para sa uso! Pero sana hindi ka nakakasakit ng iba, diba! Tsaka, di ba, maloloko mo na lahat, pwera lang sa sarili mo!!

Ito lang sa ngayon.

P.S.

Thanks talaga, ha!!

All About Poise

Naranasan mo na bang madapa sa harap ng ibang tao, yung super karengkeng pa nung lakad mo tapos di mo napansin na wet floor pala. Tapos nadulas ka ng una ang pwet, habang pinagtitinginan ka ng sangkaterbang tao. Kung oo, siguro alam mo na ang ibig sabihin ng POISE.

POISE-/poyz/calm self-assured dignity, especially in dealing with social situations.

Iyan ang pagkakadefine ni Mareng Encarta sa salitang iyon. Kukunsultahin ko si Mareng Mirriam Webster, kaso ayaw na ni Pareng Tumbong na tumayo.

Napakahalaga nga naman ng POISE sa araw-araw nating pamumuhay. Isipin mo kung walang POISE, paano mai-didistinguish ang mga may pinag-aralan sa mga no-read-no-write. Ano pang silbi ng Masters at Doctorate degree? Kung walang POISE, wala nang dahilan upang ipagyabang ang mga iyan.

Ang maganda lang, kung walang POISE, hindi na kahiya-hiya ang mga sitwasyon na katulad ng nabangit. Without considering POISE, we can be ourselves more easily. Pwede nang magkamay sa 5-star resto, mangulangot sa loob ng jeep, umutot sa de-aircon na classroom at mangamot ng singet habang nakaformal attire. O diba, mas dumadali ang buhay!

Sa panahon ngayon kung kelan importante pa ang POISE, dapat nating panatilihin ang walang damage na POISE. Dito na pumapasok ang tinatawag nating ‘escapegoat’ o ‘palusot’.Kung gaano kaimporatante ang POISE, ganoon din ang level ng palusot. Itong palusot na ito ang magliligtas sa ating mga POISE kapag sila’y napunta sa bingit ng kamatayan.

Ito ang mga ilan sa mahahalagang sitwasyon sa mundo ng POISE at palusot. Nawa’y makarelate kayo.

1. ‘May nakahuling bukas zipper mo.’

-Sabihin mo, “Ganyan talaga ako, gusto ko open sa inyo!”, sabay takbo.

2. ‘Napatid ka.’

-Umarte ka na parang may hinahanap. Tapos pag may tiyempo na, tumayo ka at sabihing nakita mo na. Effective to, promise!

3. ‘Nadapa ka habang posturang postura ang damit mo.’

-Tumuro ka sa isang side, tapos sabihin mo na may bumaril sa iyo. Dumapa ka lang opara makailag. Hindi to effective, promise!

Ilan lang yan sa mga sikat na sitwasiyon sa mundo ng P&P (POISE at palusot).

Ating tandaan: ang bawat sitwasyong kahiyahiya ay maliligtasan natin basta tama lang ang diskarte natin at witty tayo. Kung makapal-kapal ka naman, pwede ka na lang magtuloytuloy na parang walang nangyari.

That’s it, folks!

P.S.

Special thanks to palusot.com! Napatawa nyo din ako!

First Time

FIRST TIME…

Special nga yang salitang yan.

Para kasing yan yung hudyat nang simula ng isang mahalagang yugto sa buhay natin.

Parang ngayon. First time ko dito! Yehey!

Dalawang salita; maraming meaning, madaming interpretation. Mula sa pinakasimpleng unang subok, hangang sa malalim na pagkagamit sa kanya.

Eto ang mga posibleng interpretation nyan:

1. “FIRST TIME kong magblog!”

Iyan ang pinakasimpleng gamit nyan. Ibig sabihin: UNANG SUBOK. Gets nyo naman siguro, dba?

2. “kuya, hinay lang ha? FIRST TIME ko kasi eh.”

Iyan. Medyo lumalalim na. Siguradong obvious na ang ibig sabihin nyan. Marahil may halong kalibugan nga, pero iyan ay madalas sabihin ng mga virgin na susubok sa, ahem, alam niyo na! Pwede rin namang sa mga entertainer(para kasing di appropriate yung G.R.O., ay!).

Madalas din nating naririnig iyan sa mga teenagers na madalas mag-green jokes, tulad ko. Hahaha! Kaya nga minsa’y nabansagan pa kaming ma-L(5 letters yan, hulaan niyo!).

Pero di man disente ang nais iparating, importante pa din iyan! May tao bang mag-iimbento ng isang bagay na walang kakwenta-kwenta?(Siguro ako…)

3. “FIRST TIME mo atang umatend ng party; wala bang ganyan sa bundok niyo?”

Tsk. Tsk. Bad na iyan! Kasi para sa akin, isa iyang insulto! Parang nag-uusap ang isang uptown girl at probinsyana. syempre dinededicate yan nung uptown girl dun sa taga-bundok, este, taga-province pala.

Pero kung ang nag-uusap usap ay mga magfi-friendsters, tiyak nagbibiruan lang yang mga iyan. Kung hindi naman, ang tawag na doon ay kaplastikan. Dadako din tayo diyan sa topic na iyan. Sa ngayon, back to real world muna.

4. “FIRST TIME kong magmahal ha, kaya wag mo kong sasaktan.”

Iyan, malalim na. Siguro usapang love na iyan. May sinagot siguro yung girl na boy, syempre. In that situation, they make vows not to hurt each other.(tama ba english ko?) Nawa namn ay magtagal sila, diba? Sayang naman kasi yung paggamit nila sa ‘FIRST TIME’.

Iyan ang mga posibleng ibig sabihin ng ‘FIRST TIME’.

Madami pa ngang pwedeng paggamitan iyan eh! Wala na lang talaga akong maisip.

Ating tandaan: ang mga bagay sa paligid natin ay nagkakaroon ng meaning depende sa interpretasyon natin. Sa bawat interpretasyon, mahalaga ang paggamit ng salita. Kasi kung swak ang type mong sabihin, pero ang harsh ng words na ginamit mo, sigurado, away iyan! Kaya ingat ka.

Iyon lang muna sa araw na ito.

Balik muna tayo sa M.T. Sige.

P.S.
Second blog ko na pala to. Sorry!

An Introduction

Hmmm….

Hala!

Isa na namang confinement ito!
Hay. Naku naman.

Bakit ko nga ba naisipang gumawa ng blogsite?

Oo na! Alam kong malaking responsibilidad ito. In here, i should spend a lot of time and hardwork. I should be responsible enough to maintain the site; to blog as frequently as possible. Sh*t! Ang daming hassle.

Ay ewan ko ba! Siguro, this is just one of my various worlds. Siguro gusto ko lang takasan ang mundong totoo. Minsan, type ko ding maglabas ng mga hindi ko mailabas sa M.T. (mundong totoo). Yung tipong, “P*t*ng*n* mo, wag kang paepal ha!”! O kaya magshare ng mga insights at realizations ko, na parang ang awkward i-share sa M.T. Ang serious kasi. Baka kasi kung gaano ako kaserious sa pageexplain, ganoon naman sila kaserious sa pang-iisnob.

Grabe! Kakaiba pag first time. Di ko maexplain…

Anyway, pangarap ko talagang maging writer. Nawa naman sana’y maging isa ito sa mga stepping stones ko sa’king mga pangarap.

Wish me luck…

…and welcome aboard!

^^