Powered By Blogger

Thursday, December 10, 2009

L-O-V-E

Love… Kasimpleng salita. Naiintindihan ba natin ito?

Ang love… ang hari ng mga emosyon sa mundo. Ito ang palad na humahampas sa iyong mga pisngi upang ikaw ay mapaiyak. Ang mga daliring pumipisil sa iyong mga singit na nagpapahagalpak sa iyo ng bonggang bongga. Ang tv na pwede mong pagkaabalahang entertainment. Ang ecstacy na nagdadala sa iyo sa ibang mundo upang magmukha kang tanga.

Ang love… ay wala sa mga uyayi ng ina sa kanyang supling. Wala sa mga ngiti ng mga pari sa mga nakasasalubong nito. Wala sa pagiging malapit ng dalawang magkaibigan, o sa lasa ng unang halik. Hindi ito nakikita, nadidinig, nalalasahan, nasasabi. Nararamdaman ito, nang hindi basta lang.

Ang love… walang katapusang paghihintay. Para kang pinaglalaruan. Inuuto. Pinageeksperimentohan ng tadhanang walang napagkaabalahan kundi gaguhin ang buhay mo. Magkatabi na kayo, pero hindi mo siya napapansin. Minsan nagkadikit na ang inyong mga labi, ngunit patuloy kang maghihintay. Habang-buhay. Walang katapusan.

Ang love… ay walang hanggang pasakit. Unti-unti nitong bibihagin ang iyong nahipnotismong puso at itatali ito sa nangangalawang niyang tanikala. Dahan-dahan itong hihigpit. Pipigain nito ang nakaawa mong dugo. Paghihingaluhin ka. Papatayin ang mga damdamin. Tutuyuin, hanggang matigang.

Ang love… ang mga bubuyog na nagkakalat ng pollen ni kupido upang dumami pa ang mga bulaklak sa mundo. Ito ang araw na nagpapainit sa iyong puso. Ang galit na nakapagpapanginig sa iyong mga kalamnan. Ang pagnanais ng hindi pa dapat, o hindi kailanman magiging dapat. Ang nagdadala ng laswa. Libog.

Ang love… ang vetsin na nakakapagpasarap ng buhay. Ang pepper na nagdadala ng anghang. Ang asukal na nagdadala ng tamis. At ang kalamansi na nagtatanggal ng lansa.

Ang love… ang pagkaing nagbibigay buhay sa iyo. Ang magsasalba sa tagtuyot na minsa’y nagaganap sa iyong mapula pang puso. Ang tubig na pumupukaw sa iyong pagkauhaw, sa atensyon, sa rekognisyon, sa alaga. At ang walis na pumapawi sa mga maduming emosyon; galit, angst, sakit.

Ang love… ay hindi ko pa nararamdaman. Ang di pa dapat nating mga kaedad kong nararamadaman. At ang ayaw ko nang maramdaman. Takot kasi ako. Ayoko.

Ang love… ay hindi natatapos. Kung tunay, hindi ito kailanman nawawalay sa iyo. At hindi ito mawawala hangga’t may tao pa sa mundo. Hindi katulad ng blog na to.

Iyon lang. Salamat.

P.S.
Sh*t! Ang seryoso ah! (nosebleed!)

No comments:

Post a Comment