Powered By Blogger

Thursday, December 10, 2009

Kamatayan…

Iyan na naman siya… Sumusugod. Sumisilid sa bawat siwang ng ating mga puso. Kinikitil ang bawat pag-asang natitira sa ating kaluluwa. Siya’y nagsasaya. At maya-maya’y dahan-dahang aalis, lalayas, na para bang walang nangyari, habang may pekeng ngiti sa napupunit nitong mga labi. Lalakad palayo, at mawawala. Iyan si kamatayan, ang p*t*ng in*ng kamatayan.

Oo, isa nga ito sa mga trahedya ng ating mga tadhana. Ito ang pangyayaring hindi ko, at ninumang gustong maranasan. Pero parte ito ng buhay, at di matatakasan.

Sino nga ba ang nakimbento ng kamatayan? O kung hindi man ito naimbento, Diyos ba ang nagbigay nito sa atin? Diyos nga ba ang nagnais na tayo’y mapahamak, magluksa? Siya nga ba?

OO, siya nga ang nagbigay sa atin noon. Ngunit hindi para sa tayo’y mahirapan. Kabaligtaran. Isipin niyo na lang. Kung walang namamatay:

-Wakwents ang cancer, diabetes, at hypertension. Atakihin ka man ng ilang beses, hindi ka mamamatay. Magsawa kang maatake!
-Pag walang namamatay ng dahil dun, wala ng bibili ng mga dietary supplements anti dun. Malulugi ang mga kumpanya. Sangkatutak na economic crisis!
-Pag nawalan ng mga gamot, wala na ring mga commercial ads. Di hindi sana sumikat si Bea Alonzo, para sa 4G. Wala na siguro yung lolang paballroom-ballroom na in 1 year. At wala na sigurong nagsabi ng “Anlakas ko!”.
-Isa pa kung walang namamatay, magiging super dense ng population ng mundo. Sasabog ang Earth at mapipilitan tayong humanap ng ibang planeta.
-Sa paghahanap ng planeta, madaming aliens ang makakaencounter ng mga astronauts. Aatakihin nila ito. Mamamatay yung mga astronauts. Yung iba naman hihigupin ng black hole, at yung iba masusunog sa sun.
-At ito serious, hindi tayo matututong tumanggap ng pagkawala, pagluluksa. Mawawalan ng sense ang pagmove on. At magkukulang tayo sa moral values.

Hindi ko naman sinasabing gusto ko yung madaming namamatay. Ang sinasabi ko lang ay sana, wag nating sisihin ang kunsinuman sa pagkamatay ng mahal mo. Learn to move on, let go. Yun lang ang magawa natin diba?

Ating tandaan: Ang kamatayan ay parte ng buhay na hindi mawawala habang may buhay sa mundo. Hindi natin to pwedeng itakwil, kailangang nating tanggapin. Tayo din naman ang magbebenefit in time. Hindi lang natin alam kung pano.

Haiz. Im Sorry.

P.S.
Kaya mo yan.! Andito lang kame! Sorry. At thank you.

No comments:

Post a Comment