Powered By Blogger

Thursday, December 10, 2009

In the middle of the race, I realized…

Bago ang lahat, matagal na din akong di nakakakalikot ng blog world… nakakapagod din kasing mag-asikaso ng sarili, at hindi lang ng sarili. Pero I’m back, that’s all that matters.

Insecurity, obviously kabaliktaran yan ng security. At security means being stable, physically, socially, emotionally, mentally. At kung insecure ka, ibig sabihin hindi ka stable sa alinman sa mga aspetong nabanggit. Hindi rin naman ito healthy, at madami itong virus na nadadala satin, kahit na kahit papano, satin din nagmumula ang sakit na ito.

Aminin natin. Insecurity arises from our discontent, thus we seek for characteristics we want to possess. This makes us find people who possess those fantastic characteristics, and we opt to envy them. Ang insecurity ay ang kaunlarang hindi natin nakamit na inilalabas natin sa ibang paraang hindi makabuluhan. Kumbaga paghangang may halong inggit. Kaso mas nangingibabaw ang pagkainggit, at minsan tumutuloy sa pagkainis, pagkagalit, pagkamuhi.

Tulad nga ng ating sinabi ko, isa itong virus. At madalas, nakikita nating kailangan itong gamutin. Ngunit ang gamot na nakikita natin ay hindi rin healthy, madaming side effects: kompetensya. Madalas, ine-engage (sorry di ko matagalog!) natin ang ating sarili sa isang karera, karerang sating paningin ay wala tayong pag-asang mauna. Hindi healthy. Pipilit nating maging matapang, kahit na lugmok na ang ating pakiramdam. Nagiging tayong plastic. Nagiging tayong makasarili. At tayo’y nagngingitngit ng walang rasyonal na dahilan.

Hindi palaging totoo na ang asong sugatan ay mas lalong tumatapang. May nga aso din na pag napilayan ay hindi na marunong tumahol. Ang madalas na nangyayari sa self-esteem ng isang insecure ay ang pangalawa. Parang unti unting sinusunog ito hangang sa maubos na. At hindi ito maganda.

Walang may kasalanan, iyan pa ang masaklap. At kung may dapat sisihin, ikaw yon. Ikaw na nagpadala sa malakas na alon, mas malakas kaysa sa alon mo. Nakita mong mas malakas ang bagyo sa kapit ng ugat mo. At pinilit mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Ngunit kung tutuusin, ikaw na puno ay hindi dapat ikinukumpara ang iyong sarili sa isang bagyo, dahil kahit kailan ay hindi magiging bagyo ang puno, at hindi magiging puno ang bagyo.

Tama. Ang pagiging insecure ay resulta ng maling paghahambing, ang pagtapak sa labas ng linya mo. Hindi tayo pwedeng mag-excel(hindi na naman matagalog) sa lahat ng bagay. At hindi naman pwedeng magkaroon ng taong mas magaling satin sa lahat ng bagay. Kanya-kanyang forte lang yan. Kanya-kanyang estilo, diskarte. Walang perpekto, pero lahat may kakayahan.

In short, hindi gamot ang kompetisyon sa pagiging insecure. Hindi sinosolusyonan ang isang virus ng isa pang virus, na pwede pa ring solusyonan ng isa pang virus. Kung pwede, antibiotic na lang ang isalubong sa sakit na maaaring idulot nito, upang sa ganon ay matigil na. At higit sa lahat, matuto tayong tumanggap ng ating kakayahan. At mas pag-aralan nating tumanggap ng kahinaan. Ito ang mga sagot sa pagiging kontento sa buhay, at hindi pagiging insecure.

Virus lang ang pagiging insecure, at tayo ang mercury Drug. Nasa atin na kung ano ang ipangagamot natin dito. Gamutin natin upang hindi lumala, at ingatan natin upang hindi mangyari.

At nawa ang karera’y matigil na.

P.S.
Ang “ATING TANDAAN” portion ay ang paragraph na nagsisimula sa ‘In short…’ blablabla! Gue, hav a nice day!

No comments:

Post a Comment